Kabanata 30

1501 Words
Bagsak ang mga balikat ni Alma nang lumabas sa opisina ng hari. Pinaiwan ng kamahalan si Michael sa loob dahil mistulang may code signs ang mga ito at mayroong pag-uusapan na sikreto sa loob. She let out a sigh, closing the doorknob behind her and faced the blonde prince in front of her. Nakatingin ito sa sahig at bahagyang nakakunot ang noo. "I don't think this is a good idea.." Simula niya. Ang kanyang mga kamay ay nakasuksok sa magkabilang bulsa at tumingkayad sa kausap. "I mean.. why don't you hire another? Sa panahon ngayon, imposible naman na wala kayong makita.." Prince Johannes annoyingly sigh. "Why would we hire if we already have you?" Hinakbang ng prinsipe ang isang paa sa una, iniikot ang katawan sa kanya. "Ano bang problema? Pinayagan naman kami ng hari para kuhanin ka. Besides, he spoke highly of you." Alma scoffed, bringing her arms against her chest. "Spoke highly of me? Talaga ba, Johan?" Umiling-iling siya at tinuro ang nalagpasang pinto. "Didn't you see how he despised me because of the way I dress?" Maganda pa ang mood ng mahal na hari nang pumasok sila sa opisina nito. Pero pagkakakita nito sa kanya, nagdilim agad ang pagmumukha nito. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Naramdaman pa tuloy niya na hindi talaga siya welcome sa Palasyo. Iyon pa naman ang pinakaayaw niya. She was wearing a cropped top shirt at nakapalda siya ng itim na maong. May kulay ang laylayan ng kanyang buhok at nakasuot ng itim na boots. Well, masasabi mo ngang hindi iyon angkop sa lugar kung nasaan siya. Pero wala naman siyang pakealam sa sinasabi ng iba. Mas gusto niyang isuot iyong mga kasuotan na gusto niyang gamitin at komportable siya. Isa pa baka naalala din ng hari ang tungkol sa nangyari nang nagdaang mga taon. Mukhang hindi pa rin nagbabago ang tingin nito sa kanya bilang salot. Kung tutuusin, wala naman siyang kasalanan. She just fell inlove. Binaling niya ang paningin sa prinsipeng katabi niya. Napabuntong-hininga siya. Pero dahil iyon ang batas, kasalanan niyang lumabag dito. "Bakit?" Tiningnan siya ni Prinsipe Johan na para bang may mali sa kanyang sinabi. "There's nothing wrong with you." Umikot ang paningin niya dito. "For you, it is!" Nakalayo na sila sa opisina ng hari at pababa na sa hagdanan. "Pero para diyan sa hari ninyo, meron!" Umigting ang panga ng prinsipe at saglit na napinto sa kanyang paglalakad. "Be careful of your words. It's the king you are talking to.." Sarkastikong tumawa si Alma, hindi na din siya natutuwa. "Whatever." At iniwan niya sa gitna ng daan ang kaibigang prinsipe. Marami na nga siyang problema, poproblemahin pa ba niya 'yon? Kung ayaw ng hari sa kanya, eh di wag. Marami pa naman siguro diyang ibang trabaho o sideline para makakita ng pera. "Alright." Naabot siya ng prinsipe sa paglalakad. "Let's get you some food first and we'll talk again." Hinila siya nito sa balingusan ng kanyang kamay. "Anong oras na, di ka pa ata kumakain." Hihilahin na sana niya iyon pabalik pero biglang tumunog ang tiyan niya. Mukhang nakaramdam na ng gutom ang mga alaga niya sa tiyan. Umiwas siya ng tingin. "See? You can't even lie about it.." Narinig ni Alma ang pagtawa nito sa kanyang tabi. "Tara na. May lechong kawali sa kusina." She pouted her lips. "May ginataang tilapia ba?" "Wala. Pero pwede kang magluto.." "Tch. And you call this free of service? Thank you na lang.." Inayos niya ang kanyang buhok at tinaklubang maigi ang mga pisngi niyang nag-aala kamatis na. Laking pasasalamat niya at gabi na. Gumuhit ang ngiti niya sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan ang likod ng prinsipe. Ngayong abot kamay na naman niya ito, hindi niya maiwasan ang mapa-isip kung pwede pa ba nilang ipagpatuloy ang kung anumang naudlot dati. She looked at his hand on her wrist. She shrugged her shoulders and followed his lead. Hindi naman siguro masamang umasa. - - - - - Binuksan ni Lyca ang bintana malapit sa kanyang hinihigaan. Inalis rin niya sa pagkakabuhol ang kurtina nito at sumayaw iyon sa hangin. Lumabas siya sa balcony ng kanyang kuwarto. Ibinalot niya iyong balabal sa kanyang katawan. She's thankful the scarf was thick enough, it makes her warmer, kahit na ang suot niyang negligee ay manipis. Tumingala siya sa buwan, natataman ng liwanag ang maamo niyang mukha. Hindi 'man halata, pero malalim ang iniisip niya. Ibinaba niya ang tingin sa mga bundok na bahagyang nakasingaw sa kagubatan. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. May lumabas na puting usok mula sa kanyang bibig. Hindi niya kilala personal ang babaeng, bagong salta sa Palasyo pero pasalamat siya kay Olen, napag-alaman niyang malalim ang relasyon nila ni Prinsipe Johannes. They were past lovers. Wala siyang ideya kung saan niya nahugot pero kitang-kita sa mga aksyon nila sa isa't-isa na may naiwan pa silang kailangang ayusin. She gripped the stool bars over her balcony. Nakaramdam na naman siya ng pagkirot sa kanyang puso. Why was she feeling that blues anyway? Wala namang kasiguraduhan na parehas sila ng nararamdaman ng prinsipe. Iyong nangyari sa beach house weeks ago? It may be because of the heat, the emotions hightened on the situation kung nasaan sila pareho. Their raging hormones. The place. Maraming posibleng dahilan. At hindi magiging sapat iyon para tumbasan ang kung anong meron sila ni Alma. Umiling-iling siya sa sarili. At least, siya nalaman niya doon na may kakaiba siyang pagtangi na nararamdaman sa prinsipe. Pero ang pangalawang prinsipe? Mukhang malabo. The prince didn't even told her how he felt after that. Sa huli, wala talaga siyang pinanghahawakan na assurance. Huminga ulit siya ng malalim bago bumalik sa loob ng kuwarto. Suddenly, she felt footsteps towards her door. Her curiousity got piqued at lumabas siya ng kanyang pintuan. "Saan ba tayo pupunta?" "To your room. Here. Nandito na tayo." Talaga nga atang parang pinaghihigpitan si Lyca ng tadhana. Napakagat siya ng pang-ibabang labi nang makita kung sino ang paparating. "Lyca.." Para pang nagulat sa kanya si Prinsipe Johannes. "Why.. are you still up?" "Ah. Kamahalan.." Bungad niya. "H-Hinihintay ko lang si Clover. May dadalhin daw po siya dito eh.." She managed to give him a white lie, with a smile. "May.. may itutulong po ba ako?" "Ah, eh.." Dumako ang tingin ng prinsipe sa katabi niya. "I was actually planning to introduce her to her room, which is next to yours.." Tinuro nito ang katabing kuwarto, brushing his nape along the way. "Dito na siya magpapalipas ng gabi, but she didn't have anything to wear for the mean time." Lumapit na ito sa kanya, towering his height towards her. "Do you perhaps.. have a spare for her? Pasensya ka na. Sinabihan ko naman si Consuejo Millecent to help her, pero may ginagawa daw sila sa meeting room.." "Ah. Ganon po ba?" Niyakap niya pa ang scarf sa katawan niya dahil biglang gumuhit ang lamig sa kanyang likod. "Meron po. Halikayo, pasok kayo." Giniya ni Lyca ang dalawa papasok sa kanyang kuwarto. Maging siya ay nagulat dahil nagawa niyang magsalita ng maayos sa harapan nito kahit na parang inuukab na ang kanyang dibdib. Binuksan niya ang kanyang wardrobe at pinalandas ang mga kamay sa mga nakasabit na damit doon. She stopped at the sight of the maroon dress and pulled it lightly from the hanger. Nakangiti siyang humarap. "Heto.." Inabot niya ang damit kay Alma. "May mahahabang manggas 'yan para protektahan ka sa lamig.." "Salamat.." Magalang nitong sabi at kinuha iyon at sinakbit sa kabilang braso. "I'm Alma. You are?" "I'm Lyca. Your Majesty's bride—" "She's Lyca. Isa sa mga Kapares.." Putol ni Prinsipe Johannes sa kanyang sasabihin. His pair of chinky eyes focused completely on Alma. Not on her. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Lyca. Napalunok siya at umiwas ng tingin. It was as if she was slapped in the face by the prince. Bahagyang umurong ang kanyang mga paa sa likuran na para bang binibigyan ng espasyo ang pagitan nila. Napaangat siya ng tingin nang humakbang si Alma at yumuko sa kanyang harapan. "Ikinagagalak ko kayong makilala, Kamahalan.." Bagaman hindi pa nakakahupa sa nararamdaman ay ngumiti siya pabalik dito. Prince Johannes stepped forward, his eyes now, was fixed on his watch. "It's getting late. We need to go." We? Saan pa kayo pupunta? Ano pang gagawin niyo? Ibinaling ng pangalawang prinsipe sa mga balikat si Alma papunta sa pintuan at bumaling sa kanyang direksyon. "Make sure to close all the windows and lock the door when we leave." Why does it sound like a command? When they left the room, she closed the door immediately. Napasandal siya sa pintuan at tumingala sa kisame. Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi. His voice was plain. Walang halong lambing at hindi kasing tamis nung cake na pinagsaluhan nila sa kusina. She brought her one hand on her chest and gripped the throbbing area. Nahihirapan siyang huminga. She felt the corners of her eyes burn. She tasted salt and she hated the feeling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD