May kagat-kagat na tinapay si Prinsesa Ai nang tumabi kay Lyca. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga, sabay sapo sa kanyang dibdib. Lumingon ito sa kanyang likod na para bang may humahabol dito. The bride to be of Prince Jerremiah tapped her one arm placed on top of the balcony. Nakasuot na ito ng kanyang equestrian attire na halos itim ang kulay. May ensayo nga pala ulit ang mga Kapares. Nakakunot ang noong tiningnan ni Lyca ang napili. "Anong problema? May pinagtataguan ka ba?" "Hmmh!" Tumatangong sabi nito sa kanya habang mabilis na nginunguya ang huling piraso ng toasted bread. Natatakot pa nga si Lyca na baka mabulunan ito. "Si Diamond, may gusto na namang ibigay sakin. Gustong isabit 'yung palawit na butones sa baywang ko. Good luck charm daw." Si Diamond ang assistant n