Prince Johannes carefully tucked Lyca on her bed. Tinaas niya ang nakalawit nitong mga paa at inalis ang tsinelas nito. Maingat niyang binuhat ang kalahati ng katawan nito at baka matamaan niya ng di sinasadya ang bali nito at sugat. Inayos niya ang ulo nito sa pagkakahiga sa unan pati na ang comforter. He heard her soft snores. Napangiti ang prinsipe. To cut the awkwardness away from their kiss that didn't happen—thanks to his sneeze, pinaliwanag niya ang tungkol sa pangalawang paligsahan sa Royales. Bagaman hindi mahilig sa kabayo ay alam naman niyang nageexcel siya sa sports. He told her the terminologies used, ano ang mga iba't-ibang uri ng horse riding at paano ito gawin. Naghusto siya ng pagpapaliwanag dito until, he didn't hear her inquries. Doon niya nalaman na nakatulog na pala