Kabanata 53

1331 Words

Matapos ilagay ni Clover iyong kahuli-hulihang damit ni Lyca ay sinara na nito ang bag niya. Tumingin siya sa assistant na tinanguan naman siya bilang signal. "Tapos na, Kamahalan." Ang sabi nito at nilapag ang kanyang bag sa ibabaw ng mesa. Nakaschedule ang kanyang discharge sa araw na iyon. Matagal na niyang hinihintay na makalabas siya sa hospital. Bukod sa nakakainip roon, namimiss na rin naman niya ang Palasyo. Sawa na siya sa mga pagkain doon. Nasusunod naman yung mga pagkain sa hospital sa food pyramid at masusustansya lamang ang kinakain ng mga pasyente. Pero ewan ba niya. Gusto naman niyang makatikim ng ibang pagkain. Baka mapawi na ang mga taste buds niya. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang hospital bed. Nakaligo na siya at nakabihis at naghihintay na lamang ng hudyat para sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD