Sa cafeteria sa loob ng hospital dumiretso si Lyca kasama ang kanyang mga magulang. Sa pang-apat na pinakadulong upuan napili niyang maupo silang tatlo. Kulay brown at black ang kombinasyon ng upuan at lamesa at silver naman ang mga paa at armrest niyon. May unan naman at malambot ang bandang sumasalo sa mga iyon para maging komportable sila habang nag-uusap. Hindi gaanong masikip at hindi gaanong malawak ang lamesa. Sapat lamang ang espasyo niyon para sa kanilang tatlo. Maaliwalas rin ang buong cafeteria at sila lamang ang tao roon, bukod sa mga nag-aasikaso sa loob ng kusina. Silang tatlo lamang ang nandoon. Kasama ni Clover si Lily sa isang library na matatagpuan naman katabi mismo ng cafeteria kung saan sila naroroon. Nang makita kasi ng nakababatang kapatid ang library ay hindi na it