Nakakunot ang noo ni Prinsipe Johannes habang minamaneho ang kanyang kotse. Ang kanyang buhok ay nadadala ng hangin dahil na rin sa nakabukas na bubong niyon. Pabalik na siya sa Palasyo, matapos nilang magkita ni Michael. Kahit na hindi maipinta ang pagmumukha ng prinsipe ay hindi mapapagkailang may angking kagwapuhan at kakisigan pa rin ang pagmumukha nito. The wind blew past by his face at napayid ng hangin ang kanyang ginintuang buhok. Nakalipas na ang isang linggo sa inisyal na paalam ni Joker kay Prinsipe Brintton, ay hindi pa rin ito bumabalik sa serbisyo nito bilang bodyguard sa Palasyo. Kaya silang dalawa nila ni Michael ay tahimik na nagmamatyag ng lihim sa labas ng bahay ng mga ito. Marahil kasi ay may pinaplano na si Joker pati na si Olen sa likod nila. Kailangan nilang maunah