Kahit na alas onse na ng umaga ay hindi pa rin binubuksan ni Lyca ang kanyang mga bintana. Nakakandado na ang kanyang pintuan at naitago na rin niya ang susi sa loob ng kuwarto niya. Ngumiti siyang parang umangkin ng tagumpay. Well, she made sure to tell Clover in advance na huwag na huwag magpapapasok ng kung sino at huwag na huwag siyang iistorbohin sa kanyang sanctuary. She made sure din na nakababa pa rin ang mga kurtina niya kungkayat madilim ng husto sa loob ng silid niya—like the way she wanted. She tucked herself more inside the comforter.
Haaay. Ang sarap mabuhay.
Now that the first part of Royale was already finished and that they were given a break, she have decided na magkulong na lamang sa kuwarto at hindi lumabas. Matutulog at matutulog lamang siya, tutal naman her form of vacation was sleeping. Walang makakapigil sa kanya, kahit na tagain pa siya ni Clover.
Speaking of the devil, bumukas ang kuwarto niya at agad siyang nagtalukbong. She cursed in her mind. Tsk. Bakit nga ba di niya naisip na baka nga pumasok ang kanyang assistant? Kung kailan naman na patulog na siya. Magagaan ang mga ginawa nitong hakbang papunta sa kinaroroonan ng mga bintana. Narinig niyang binuksan nito ang mga iyon at itinali iyong mga kurtina. Unti-unti ay napuno ng liwanag ang buong kuwarto. Lyca groaned inside.
Wala ba siyang karapatang magkaroon ng sariling solitude? Binabawi na niya iyong sinabi niyang masarap mabuhay.
She heard the footsteps coming near her. Hinigpitan niya ang hawak sa kanyang kumot nang walang ano-ano, ay hinila nito ang kanyang kumot paalis sa kanyang katawan.
Pero mas nagulat pa siya dahil hindi ang assistant niyang inaasahan ang naroroon.
"K-Kamahalan!" She glanced at her chest and expertly pulled the blanket with her one leg and covered the area. Nakalimutan niyang wala nga pala siyang suot na bra. "Anong ginagawa mo dito?"
Prince Johannes raised his one hand, waving the golden keys. "Clover told me, ayaw mo daw magpaabala. Kaya kinuha ko 'yung susi ng main door mo.." The prince crossed his arms against his chest. Nakakunot ng bahagya ang mga kilay nito. "And look at you now. Katanghaliang tapat Lyca, anong ginagawa mo at nagkukulong ka sa kwarto mo?"
"Eh ano naman kung nandito lang ako sa kuwarto?" Binalot pa ng kausap ang kumot sa katawan niya bago sinagot muli ang prinsipe. "I just want to spend the whole vacation inside my room. Alone.."
"So you're just going to isolate and sleep here?"
"Yes, Your Majesty.." She emphasized her response. "That's my kind of vacation, so please respect that and leave.."
"No.." Pumitik ito sa hangin at kapagdaka ay pumasok ang kanyang assistant at may hawak na pares ng sandals at bestida. "I won't let you do just that. Clover, bihisan mo ang mahal na prinsesa. Wag na wag mo siyang patatakasin.."
"Masusunod, Kamahalan.." Nanlilisik ang mga mata nito, siguro ay masama rin ang loob dahil itinaboy niya ito kanina.
But she was born stubborn. Hindi ba alam ng prinsipe na pinaglihi siya sa bato sa katigasan ng ulo niya? With her free hand, she throw the pillows beside her towards them.
Sadly, tumama iyong isa sa mukha ng mahal na prinsipe. Nagpigil siya ng kanyang tawa. Gusto niya sanang picture-an ang pagmumukha nito, kaso ay nakacharge ang kanyang cellphone.
"Alright." Huminga ito ng malalim, halatang nagpipigil na magmura at bigwasan siya. "I get it now.."
Tumalikod si Prinsipe Johannes and when he faced her, he was already holding a rope. Hinampas nito iyon sa sahig. Napalunok si Lyca.
Is he.. going to use that?
"Kung hindi natin kaya sa maayos na usapan, gawin natin sa santong paspasan.." Lumapit pa ito sa kanya and Lyca can only lean backwards more, against the headboard of her bed. "Clover, iwan mo na muna kami.."
Lumingon ito kay Clover as if, sending her a signal na inayunan din naman nito.
She gripped her sides and looked at the prince walking closer to her.
Nasisiraan na ba ito ng bait?
- - - - -
Pabagsak na umupo si Lyca sa loob ng likod ng kotse ni Prinsipe Johannes. Nalaglag na iyong suot niyang sombrero sa kandungan niya. She rolled her eyes to the second prince na kinakausap si Benjie at Clover at hinintay na umibis ng kanilang sasakyan. Umiwas siya ng tingin dito nang dumako ang paningin nito sa kanya.
The royal opened the door at where she seated. "Bakit ka diyan nakaupo?"
Hindi siya sumagot. Bwisit na bwisit siya.
Sa katunayan ay hindi naman siya nito binihisan, ang hindi niya lamang matanggap ay kung paano siya nito iginapos sa bedpost para hindi siya makatakas. Matino pa naman ang pag-iisip niya at hindi pa baliw para gawin iyon. She hissed and scooched away from him.
"Gusto ko rito maupo, Kamahalan.."
"Lumipat ka sa front seat.."
"Ayoko.."
"Sige. Ikaw bahala.."
Using his long arms, the blonde prince reached for her on the other side and pulled her gently towards him. Impit siyang napasigaw nang buhatin siya nito palabas ng kotse.
"Bitawan mo ko, Your Majesty! Argh!"
"Wag kang malikot! Kung hindi ibabagsak kita dito.." Halatang nahihirapan na rin ito sa pagbuhat sa kanya dahil panay ang suntok niya sa dibdib nito. She just gripped his polo shirt and looked away. Gumawa pa ito ng eksena.
Nilagay siya nito sa front seat. Pinagpag nito ang kanyang polo na nagusot at pumasok na ng sasakyan.
"You're quite heavy.." Tumango ito sa kinaroroonan ni Benjie at Clover. Probably telling them to lead.
"I know.." Walang gana niyang sagot. "Who told you to carry me, anyway?"
Instead of answering her, the prince just sarcastically laugh while starting the engine. He looked at the back, with his one hand holding the steering wheel and they're off to go somewhere she didn't know.
- - - - -
"Saan ba tayo, pupunta?" Pangalawang beses na iyong tanong ni Lyca sa prinsipe. Natatangay ng hangin ang buhok niya kaya kinailangan niyang sipitin iyon sa likod ng tainga gamit ang mga daliri. She grappled the straw hat gently, over her lap.
"Basta.." Tinapunan siya ng tingin ng mahal na prinsipe. "Kapag sinabi ko sayo, wala ng thrill. Pagdating natin don, ipagpapasalamat mo pang sinama kita.."
Paano ko ipagpapasalamat eh ginambala mo na nga ang tahimik ko na sanang bakasyon?
Kaytagal niyang hinintay ang pagkakataong 'yon, tapos mawawala pa.
Kung siya ang tatanungin, gagamitin lamang niya sa buong magdamag na pagtulog iyong binigay na mahabang break sa kanila. Pero iba ata ang takbo ng utak ng matangkad na prinsipe at pinilit siya para doon. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at pinagmasdan na lamang ang paligid na dinadaanan nila.
They have passed by corn fields that swayed modestly with the wind. Pagkatapos naman noon ay ang mga kabahayan at sa dulo naman ay may gasoline station. Tumigil sila sa may palengkehan, doon mismo sa tapat ng isdahan. Narinig niyang dumaing ang katabing prinsipe dahil siguro sa malansang amoy noon. Inirapan niya ito.
Napakaarte. Hindi naman pog—
Sabi niya nga maarte lang.
Nang magsimula ulit silang manakbo ay parang hinabol ng kanyang mga mata ang nalagpasang isdaan. For her, that is what life is. It's disoriented, may malansang amoy, maingay, but it's normal. Sumandal siya sa kanyang inuupuan.
For her, that is what she miss.
"Patugtog ba tayo?"
"No. Masyado ng maingay—"
"Why not?" Nakangiti ito ng lumingon sa kanya at pinindot iyong stereo sa loob ng koste.
Nagngitngit si Lyca. Bakit pa siya nito tinanong kung hindi rin naman gagawin?
Sumandal siya sa bintana ng kotse at pinikit ang kanyang mga mata. Baka sa paraan na iyon maiibsan ang sakit ng ulo niya.
I can't write one song that's not about you
Can't drink without thinking about you
Pero wala pang limang segundo ay bigla naman itong kumanta. She audibly groaned and glared at the prince, clearly enjoying what he's doing. He didn't stop at that. He pressed the button under the maneuver and the roof began to fold. Saglit siyang napatanga doon.
"Ayos ba?" Ngumisi ito sa kanya na para pang pinagyayabang ang kotse niyang tumitiklop ang bubong. Pinaikot ni Lyca ang kanyang mga mata at hindi na lang ito pinansin.
Is it too late to tell you that
Everything means nothing if I can't have you?
Naging hobby na ata ng prinsipe ang siya ay buwisitin. Sa inis ay binalingan na niya ito.
"Can you please stop singing?" Wala ng galang na sagot niya dito. "Why can't you just drive quietly?"
"Bakit? Hindi ba maganda ang boses ko?" Malawak na ang pagkakangiti nito sa kanya at ang tingin ay nakadiretso na sa daan, afraid they might get into an accident. "Alam mo bang may banda kami dati ng mga pinsan ko?" Ang tinutukoy nito siguro ay ang mga prinsipe. "But we all started growing with huge responsibilities. Kaya ayun.." He shrugged his shoulders.
Actually ay maganda naman talaga ang boses nito na ikinagulat niya. Kasing boses nito iyong sikat na sikat na mga manganganta na may tunog ng RnB o kaya ay Indie. Hindi niya lamang maalala kung sino. Kaya masasabi niyang pwedeng-pwede itong maging isang bokalista ng isang banda. But leaving that aside, naiinis pa rin siya.
"Are you still sulking?"
"..."
"Okay, okay. Tatahimik na ako.." Laking pasasalamat ni Lyca at hindi na nga siya ginambala pa ng prinsipe. Nakahinga na siya ng maluwag. Matutulog na lang siguro siya sa byahe.
Yes. Counted naman 'yon sa dream vacation niya.