Kabanata 21

1732 Words
Nanuot sa ilong ni Lyca iyong amoy na nanggagaling sa lemon humidifier sa klinika ni Dra. Montañez. Pangalawang beses iyon ng kanyang check-up at dahil katatapos lang ng unang parte ng Royale ay napagdesisyunan niyang dumaan na dito. Narinig niya ang mabilis na pagtipa ng doktora sa kanyang keyboard habang nakatutok ang mga mata nito sa monitor. "Okay.." The psychiatrist adjusted her glasses as she scanned the compiled papers onhand. "Malaki ang naging pagbabago ng mental health tests mo, compared last month.." Ngumiti ito sa kanya, showing her pairs of white teeth. "How do you feel these days? Do you still feel chest pains?" "I still.. feel nervous sometimes. About the chest pains maybe, only one time this month.." Dra. Montañez nodded at her, a sincere look in her eyes. "Hmm.. That must be because of the Royale.." She flipped a paper from the folder. "Ibaba ulit natin ang dosage mo. Pero don't be too calm, okay? If the chest pains come back as frequent as last time, tell me.." Pinirmahan nito ang dulo ng papel at ibinigay iyon sa kanya. "Salamat, Doktora.." "You're welcome, Your Majesty.." Kinuha nito pabalik iyong papel na pinirmahan naman niya. "Now that you're in that phase, doon na tayo sa next stage.." The mental doctor clasped her hands over the table. "Let me know your fears and I'll help you face them.." Upon mentioning the word fears, isa lamang ang tumatak sa isip niya. Her parents. Lyca's hands started shaking. Kinuyom niya ang kanyang mga palad at nanatiling nakapatong sa kanyang kandungan. She bit her lower lip as she gulped a large lump from her throat. As hesitant as she is, she answered her. "K-Kailangan po ba 'yon?" "Of course it is.." Pinaglaruan ng doktora iyong ballpen na hawak sa kanyang mga kamay. "Bakit ka nandito, kung hindi natin kailangan?" She shoved the pen on her right pocket. Tahimik lamang na nakikinig si Lyca. Her pair of hazel orbs were not merely fixed on her psychiatrist. Tutungo siya at kapagdaka ay titingin sa kanyang mga nanginginig na mga kamay. Almost six months have passed simula nung napili siya sa Royale at lumayo siya sa kanyang pamilya. Tawagin na siyang masamang anak pero mas nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Ngayon lamang ang unang pagkakataon na naalala niya ang mga magulang. She played her fingertips and stared at them. Wala rin siyang anumang naririnig tungkol sa pamilya. Kay Lily lamang. Kahit hindi siya nakalapit at nakita niya lamang one time ang kapatid na sumakay ng bus papuntang eskwelehan dati sa bus ay sapat na siguro iyon. Now back to her parents. Bakit naman niya aalahanin pa kung sila mismo ang may dahilan kung bakit siya nahihirapan? She can't let her ongoing healing be at deadly stake again for them. She was certain hindi niya kailangan ng anumang balita tungkol sa mga magulang. Matigas niya iyong sinisiksik sa utak niya. Kaya niya ang sarili niya. She brought her one hand on her chest, on it's sudden heaving. "We can't let you dependent on your medications.." Pagkatunghay ni Lyca ay may hawak na itong puting botelya at inabot sa kanya. "I'm here to make you feel better, so I hope you'll be honest with me.." As she grabbed the meds from the doctor, parang bumigat ng bumigat iyong pakiramdam niya. Lumunok siya at nilagay iyong gamot sa kanyang bag. She stood up and bowed at her. "Thank you, doctor.." "No worries, Your Majesty.." Kagaya niya ay umukod din ito sa kanya. "Just tell me whenever you're ready. Pag-uusapan natin 'yan.." Nginitian lamang ni Lyca ang psychiatrist at anyong tatalikod na ng makasalubong si Prinsipe Jerremiah sa klinika nito. "Kamahalan!" Medyo pasigaw na bati ng doktora dito at iniwan siya sa gitna. "Come in. Come in. Kukuhanin mo na ba 'yung gamot mo?" "Ah. Well.." Tiningnan siya ng unang prinsipe bago nagsalita. "Yes. And.. for the scheduled session.." Maski siya ay napamulagat sa sinabi ng prinsipe. Anong nakain kaya nito at bigla na lamang nagpakonsulta? May masama siguro itong nakain. Napangiti siya rito. "Ay, sige sige. Sandali lang at kukuhanin ko lamang 'yong gamot mo sa loob at sisimulan na rin natin ang session mo.." Itinuro ng psychiatrist ang katabi nitong sofa. "Sit down while you wait.." Just like a child, the first prince obliged her and sit down. Naiwan silang dalawa sa loob. Kukuhanin na sana nito ang earbuds sa kanyang bulsa nang mapansin siguro nito ang kanyang hindi karaniwang titig. "What?" "It's nothing, Your Majesty.." May tunog na panunudyo ang prinsesa. "I just remembered you told me na wag kang pakealaman, but look at you now.." She took a step forward. "I guess you're really up for a change.." "Huh?" Nalaglag ang saklob ng hoodie sa kanyang ulo. "Ano bang sinasabi mo? May schedule ako.." Kinuha nito iyong bahagyang nagusot na papel sa kanyang bulsa at pinakita sa kanya iyon. "Ibinigay lang sakin 'yan ni King. O, pwede mong tingnan kung gusto mo.." Hindi pa ito nakontento at nilagpak ang papel sa ibabaw ng lamesa. Lyca can only smile at him. With playful eyes she walked towards him. "Nagmumukha ka lang guilty, Kamahalan. Wala namang masama kung magsasabi ka ng totoo." Prince Jerremiah glared at her direction. Pakiramdam ni Lyca ay sinusunog na nito ang kanyang kaluluwa. Napatawa siya ng kaunti dito. Nakita nitong umayos ang kaniyang upo nang dumating ang doktora at may hawak ng maliit na bote. Malawak ang pagkakangiti nito sa kanilang dalawa. "I didn't know you are already friends with her, Your Majesty.." Nakatingin si Dra. Montañez sa unang prinsipe. "Isa-suggest ko pa sana sayo na you make friends. It will really help you.." "Tch. Pwede ba. Cut the nonsense." Nagkatinginan silang dalawa ng butihing doktora at napatawa sa turan ng prinsipe. Nagkibit balikat siya. Malaking tulong rin pala iyong ilang araw niyang pagpeste at pangengealam dito. Kahit na may nalaman siya tungkol dito na nakwento sa kanya ni Prinsipe Johannes ay di niya magawang paniwalaan lahat iyon. Ewan din niya. Pakiramdam kasi niya ay unti-unti ng nagiging open ito at nagkakaroon na rin ng oras na makasalamuha sa iba. Siguro nga suplado ito at laging galit, but eventually he will heal as a person. She just smiled at herself. Hindi niya alam kung anong dahilan niyon pero malaking bagay sa kanya ang matulungan ang prinsipe. Kung hindi niya 'man matulungan ang sarili niya, at least alam niyang malaki ang naging part niya sa paggaling nito. "Heto na ang gamot mo, Kamahalan.." The mental doctor gave the medicine to the prince. "Ah. Siyanga! Kamusta po pala si Prinsesa Ai? Okay na ba siya? I heard she was strucked by an arrow.." Natigil ang mga kamay ni Prinsipe Jerremiah sa ere, pagkaabot sa gamot niya. Napansin ni Lyca ang bahagyang pangingginig niyon. "A-Ah. Yeah. She.. She's okay.. "Mabuti naman kung ganon.." Tumango-tango ang doktora. "Anyway, dito na tayo sa loob. I'll prepare you some refreshments." Kapagkuwan naman ay kumaway ito sa kanya. "Prinsesa, hindi na kita maiihatid sa labas. Mag-iingat ka.." With eyebrows crossed, hinatid niya sa tingin ang prinsipe hanggang sa makapasok sa loob ng session room. Napalunok si Lyca. Bakit ganoon ang mukha niya nang marinig ang sinabi ng doktora? He looked so worried and yet.. somehow scared. May alam ba ito sa nangyari sa Kapares niya? Posible kayang mali siya? - - - - - "Throw the cake away.." "Pero Kamahalan, inihanda ito para sa inyo ng mahal na hari.." "I said throw it away.." May awtoridad na sabi ni Prinsipe Johannes sa kanyang assistant. "Don't let me say it again, Benjamin.." "Masusunod po.." Mabilis na kinuha ng kanyang kanang kamay iyong cake at nilabas ng kanyang silid. Sure, it was from the king, pero hindi niya pa rin iyon tinanggap. Mabuti na lamang nga at busy itong makipagkalakaran sa kabilang bayan at kung hindi, baka gumawa pa ito ng eksena sa loob ng Palasyo at ipagdiwang iyong kaarawan niya. Minasahe niya ang kanyang magkabilang sentido. Sa araw na iyon ay humakbang ulit siya ng isang taon. Edad trenta na siya. Edad na trenta na siyang nabubuhay sa mundong ibabaw at wala pa ring nakukuhang magaling na impormasyon sa kaso ng kanyang mga magulang. Pinagmasdan niya iyong mga nakalatag na mga papel sa kanyang lamesa at nagpakawala ng buntong-hininga. Marami pa siyang kailangang gawin sa araw na iyon at dumagdag pa ang salubong na cake sa kanya ng assistant galing sa mahal na hari. Nakuyom niya ang kanyang isang kamay sa isang papel at nagusot iyon. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at tiningnan iyong isang kumpol ng tuyong bulaklak sa tabi ng bintana. Ilang taon na ang mga nagdaan na hindi niya magawang ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Bukod sa kasabay niyon ang death anniversary ng kanyang mga magulang, naalala niya rin ang walang hustisyang pagkamatay ng kanyang mga magulang. Hindi siya naniniwalang walang may sala roon. He loosened his necktie and casted his eyes away from the papers. At almost already ten years have passed, their families, including those with the other princes died in a fire sa dating kastilyo ng Palasyo. Ayon sa pulisya, may dumiklap na wire sa loob niyon at naging sanhi ng pagkasunog ng buong lugar kung saan naroroon ang kanilang mga magulang. Ang kanilang tiyo, ang bunso sa magkakapatid ng Williams at ngayon nga ay hari ng Verañas ay nagkaroon ng third-degree burns sa dalawang binti nito. Iyon ang dahilan kung bakit lagi itong may dalang tungkod at nahihirapan na ring makalakad. Bukod don, lalong lumala ang trauma nito simula nung pagkabata at naapektuhan ng husto ang mental health condition nito. That left them without any traces of their families. Naging abo lahat. Pero pakiramdam ni Prinsipe Johannes na hindi talaga iyon ang nangyari. He felt like, there's some more mystery in it. Kaya kahit matagal ng sarado ang kaso ng kanyang mga magulang ay hindi siya matahimik, at tinarabaho pa rin iyon sa likod ng Palasyo. Iyon din ang dahilan kung bakit nagpapakaigi siya sa Royale. Kung makukuha niya ang trono, magiging madali sa kanya ang lahat. Masabihan 'man siyang masama at gahaman sa kapangyarihan. Tumayo ang pangalawang prinsipe at sinalansan sa loob ng envelope iyong mga papel na pinag-aaralan. Hindi binigay ang bakasyon na iyon sa kanila ng para sa wala lamang, so he might as well use it. Nakangiting sinara niya ang kanyang laptop. Syempre, kasama doon sa plano ang kanyang bride to be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD