"And here, you can see the second floor that consists of the room of the princes and, their respective chosens are on the right. Yes, the opposite way.."
Nakasunod lamang si Olen kay Consuejo Millecent habang pinapaliwanag nito ang bawat sulok ng Palasyo. Dinig na dinig niya ang bawat pagtaguntong ng heels nito sa bawat hakbang na ginagawa. Ang bagong salta ay tumingin sa kanyang mamahaling relo. Kitang-kita na hindi siya interesado sa mga pinagsasabi nito. Kung sana ay si Consuejo Michael iyong kasama niya, baka naging makasaysayan pa ang araw na iyon. Nagkibit balikat na lamang siya. Sabagay. Mabuti na 'yon. Baka magamit niya ang mga impormasyon sa gagawin niyang kilos sa mga susunod na pagkakataon.
"Ano naman 'yung mga nasa taas?" The newly appointed leader raised his head and glanced over the room on the middle upstairs.
"Ah. Right. That's Your Excellency's and the Queen's.." Humarap si Consuejo Millecent sa kanya, iyong may kahabaang ulandes na buhok ay sumunod sa galaw niya. "The opposites are mine and Michael. And.. you can't enter the floor, that's forbidden.."
"May I know why?" Olen queeried in, stepping closer to the royal secretary, his one hand shoved inside his pocket.
"Sa tingin ko naman, alam mo na ang ibig sabihin nun.." Ngumiti ang kausap pero alam niyang hindi iyon totoo. "Itago na lang natin 'yon sa pangalang, Privacy.." Itinaas nito ang kanyang isang kamay, bending the formed V-sign. She crossed her arms of white against her chest. "If you have any appointment to see him, kailangan mo muna kaming kausapin ni Consuejo Michael to arrange the meeting on that.."
Nagsimula ulit silang maglakad sa mahabang hallway na iyon at pinupintirya ang pintuan sa gitna. Olen clenched his fists. Akala pa naman niya ngayong isa na siya sa mga Consuejo, magiging madali na sa kaniya ang lahat. Kailangan niya pa rin palang dumaan sa, siguro ay mas mataas na Consuejos sa kanya para makausap ang hari. He shook his head lightly and grit his teeth as it produced, quite a sound. Lumingon sa kanya ang babaeng Consuejo.
"Papasok ka pa ba o, diyan ka na lang?"
But he's still evil, right? There's nothing he can't do.
"Let me.."
Olen walked to her side and opened the door in fron of them, flashing her a smile in the process. "Ladies first.."
He bowed curtsy at Consuejo Millicent whose eyes were fixed on him, suspisciously. "That's.. kind of you. But, no thanks.."
As they enter the room, they were met with three pairs of eyes already waiting for them.
"Get seated. We'll start the meeting.."
In the black and gray room, it was composed of a long table and six chairs in the middle. Isang mesa ulit ang nasa dulo niyon at ang katabi ay may patas-patas na mga silya. There's only two windows inside, those windows he might have seen somewhere. Ang isa ay nasa unahan, ang isa naman ay nasa kaliwang bahagi at natatakluban ng isang kabinet. May malaking television screen rin sa unahan nila at katabi niyon si Consuejo Michael.
Olen was seated on the second chair opposite a man who's chewing a gum. Nakakunot ang noong inayos niya ang kanyang suit at nilipat ang paningin sa unahan.
Binuhay ni Michael iyong television screen at nagsilabasan doon ang bawat litrato ng bawat kalahok sa Royale. "Nagpatawag ako ng meeting to discuss with you about the current points of the royalties and to ask about your opinion about each one of them.."
The right hand, pushed the tiny button on the flashdrive-like control right through the screen.
Kahit naman hindi siya gaanong nakatutok sa Archery Competition noong nakaraan, masasabi pa rin naman niyang nakita niya ang bawat talento ng mga prinsipe at ng kanilang mga pinili. May ilan na sa unang tingin, parang hindi makakaya ang isang mahirap na task, pero sa dulo ay magagawa ng walang kahirap-hirap. May ilan na nagpapanggap at may ilan na halatang hindi interesado sa buong paligsahan na iyon.
Pero may isang natatanging kalahok na pumukaw ng kanyang atensyon. Iyon ay ang pangalawang prinsipe. His eyes glisten with such evil glint. Sa lahat ng mga prinsipe, ramdam na ramdam niya ang kagustuhan nitong manalo at makuha ang trono. He secretly formed a plot in his head.
Who knows? Baka may lihim rin ang prinsipe at may pinaglalaban rin ito na maaari niyang magamit para sa sariling kagustuhan.
Pumindot ulit sa remote control si Michael. The face of Prince Jerremiah and his Kapares Ai puffed in.
"Since the first prince collapsed in the first game, hindi pa rin natin alam if magpapatuloy siya sa sunod na event. Ah. Right." Lumapit ito sa kanila, iyong isang kamay ay nakasuksok sa isang bulsa. "Kailangan din nating mag-isip ng isa pang round for the Royale.."
"I originally planned to have a horse race after the archery competition but I don't think if it's enough.." Hinila na nito ang isang silya sa unahan at umupo na doon. "So.. do you have any suggestions?"
"I think, horseback riding is okay.." Tumango-tango si Consuejo Millecent sa kanilang lahat, landing the golden pen she's holding over the table.
"Sa tingin ko rin, wala namang problema 'don.." Sinang-ayunan naman iyon ng lalaki kanina na ngumunguya-nguya.
Michael casted his eyes to each one of them and smiled. "Duly noted. We will have horseback riding for the second game. Okay. Isa na lang ang kailangan natin.."
Walang nagtangkang magsalita sa apat na Consuejos. Lahat sila ay malalim pa rin ang pag-iisip kung ano pa ang mga posibleng maisunod na laro, para sa pagtatapos ng Royale.
But Olen was busy observing them. Picking their habits, strengths and weakness expertly. Masyado naman ata nilang pinapahirapan ang sarili nila sa gaanong kasimpleng trabaho. So as tricky as possible, he told them what's on his mind.
"What if, we have a battle of the crown for the final game?" The attractive deputy clasped his hands over the table, his deep voice catching the attention of the rest of the four. "Like, they were isolated on an arena and they need to escape from it, with the crown as the main prize they need to have in the end.." Nagkibit balikat siya. "But it's too simple. We need to prepare lots of snares and traps along the way of the prize to make it harder.."
"I almost forgot that you're a former captain of an army.." Ang sabi ni Michael na nakatingin sa kanya at nagpailing-iling. "That says a lot of yourself.."
"Thank you, Sir.." Umukod si Olen dito. "I'll take that as a compliment.."
"Pero.." Biglang putol nito sa kanya. "Wouldn't it be tricky and dangerous? It might lead to the majesties' life at stake.."
"Siyanga.." Sagot naman ng isang babaeng Consuejo sa dulo, na may hanggang balikat na buhok. "Baka mas lalo tayong mahirapan niyan.."
Humilig pauna ang bagong salta, halata sa mga mata nito na kinukumbinse ang mga naroroon sa bawat pagbitaw niya ng salita. "That is the main purpose of the game. In that case, they will show their true skills at the same time, malalaman agad natin kung sino ang panalo.."
A large pause was heard. May ilan sa mga ito ang tumatango-tango sa turan niya. May ilan naman na tinitimbang pa kung maganda o masama bang kalalabasan iyong suhestiyon niya.
"Alright. It's settled.." Nagpakawala ng hininga si Consuejo Michael. Pinagtagpo iyong mga kamay sa ere at nakuha ang kanilang atensyon. "We will have horseback riding for the second round and last, will be the battle of crown.." Ngumiti ang hurado sa kanya at tumango. "Magaling, Olen.."
"Thank you, Sir.." Tumayo siya at nagbigay pugay sa leader nila. "I promise to do more of it in the future.."
Pero may isang pares ng mga mata ang nanlilisik na nakatutok sa kanya. Ang mga magagandang daliri nito na may mantsang pula sa dulo ay marahang sunod-sunod na tinatapik iyong ibabaw ng lamesa. He smiled at her sweetly.
Mukhang may mauuna sa listahan niya.
- - - - -
"So you're telling me, a maze to the crown will easily determine the winner?"
"Yes, Your Highness.."
The great king gandered at him with those, speculating eyes. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. Tumayo ito mula sa kanyang inuupuan at kinuha iyong tungkod na nakasandal sa kanyang mesa.
"But.." Panimula nito. "Hearing your thoughts made me concern about your true intentions, my dear Olen.." Huminto ito sa harapan niya. "Hindi mo ba balak patayin ang mga prinsipe at mga kapares sa lagay na 'yan?"
Ngayong nasa harapan na ng bagong team leader iyong hari, nag-uudyok iyong demonyo sa utak niya na kuhanin iyong balisong sa kanyang baywang at ipagsasaksak iyon sa dibdib nito. Nanginginig ang kanyang mga kamay at lihim na kinuyom ang mga iyon para pigilan ang aksyon. Agad siyang yumuko dito.
"Ipagpaumanhin ninyo, mahal na hari.." Mababa at magalang sa orihinal ang boses niya. "Wala akong masamang intensyon para isagawa ang larong iyon. Naniniwala lamang ako na dapat makita ang kani-kanilang kakayahan.."
"So you still wanted this as the final game?"
"Yes, Your Majesty.."
"Even if I.. oppose you?"
"Yes.." Matigas niyang sabi at tumayo ng tuwid. "I'll still convince you, Your Majesty.."
King Roberts leaned back from his table, the staff he's holding was upfront, placed in between his legs. Nagpakawala ito ng kaunting tawa at tiningnan ang kanyang kanang kamay sa tabi.
"Ano sa tingin mo, Michael? Di hamak na mas matigas ang ulo ng isang ito kay Joaquin.."
The right-hand man can only bow his head and nod. Nagpatuloy sa pagsasalita ang mahal na hari.
"O, sige. Ano kaya kung ganito ang gawin natin.." Tumango-tango ang hari sa kanyang direksyon. "Subukan natin iyang sinasabi mo at kapag may hindi ako nagustuhan, pasensyahan na lamang tayo.." Lumapit ito sa kanya. Tinapik ang kanyang balikat at marahang pinisil iyon.
"Maybe the slot for the Consuejos is not the right one for you.."
Nagsimulang mag-init ang kanyang kalamnan. Gustong-gustong hilahin ni Olen pabalik ang hari at tuluyan ng isagawa ang kanina pang nagsusumigaw sa utak niya. Once the king and his assistant walked out of the room, he finally let out a deep breath and gripped the edges of the table. Hinawakan niya ang nakadisplay na kopita na nakapatong doon. Nabasag iyon at paunti-unti ay tumulo ang dugo sa mesa.
Kahit gusto na niyang patayin ang hari ay hindi niya magagawa.
Gusto niya 'mang mapabilis ay kailangan niyang dumaan sa mabagal na proseso.
Let it be, then.
He'll make sure that he'll give the king the taste of death. Slowly and surely.