Kabanata 19

1403 Words
Tahimik ang arena nang dumating silang dalawa. Tanging ang paggsiko at pagsuway ni Prinsesa Sierra kay Prinsipe Brintton sa pagkagat sa mansanas iyong bahagyang maririnig. Napahugot si Lyca ng kanyang hininga. Maging ang kanyang katabing prinsipe ay napahinto rin at nakamasid lamang sa may unahan. They were on the last page of the Archery Competition arc. Nasa unahan ang dalawang taong nagpapakita ng susunod nilang gagawin. Si Consuejo Millecent, iyong nagmimistulang sekretarya at kanang kamay ng reyna ay may hawak na pana—nakatututok sa pulang mansanas na nakapatong sa ulo ng isang lalaking noon lamang nila nakita. Nakatingin lamang ito kay Consuejo Millecent ng diretso at hindi kakakitaan ng anumang pagkakaba. In a blink of the eye, the goddess judge released the arrow with her red-stained figernails catching the attention of the group. Napasinghap silang lahat lalo na ng walang kahirap-hirap na tumama ang pana sa gitna ng mansanas. Napaatras ng isang hakbang ang mga paa ni Lyca. How am I going to do that? "Hindi talaga ako nagkamali ng hula.." Simula ni Prinsipe Brintton, hawak-hawak pa rin iyong mansanas na may dasto na ng kagat niya. "They'll definitely use this as the final act. They know how to play this game.." She heard the second prince let out a long breath. Dinala nito ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib at pinagkrus ang mga iyon. Tinapunan siya nito ng tingin. "Now that you know it, makakaya mo ba?" "I.." She broke in a verse. Namamawis ang kanyang mga palad habang nagmamasid pa rin sa kanyang unahan. "Well.. it's.." Humantong na nga sila sa kahuli-hulihang laro. The Kapares of each of the prince will only be given one arrow. Isang chance lamang ang magagawa ng bawat isa. Ang tanging pagkakaiba nga lamang, sa halip na sa bull's eye ang target ay iyong sa mansanas na nakapatong sa ulo ng mga prinsipe ang patatamaan. Kung sinumang Kapares ang makatama sa mansanas ay siyang magkakamit ng mataas na grado. Siguro ay pinagdesisyunan ng mga Consuejos na pahirapan pa sila kungkayat ang ginawa nilang tagapana ay ang mga Kapares, hindi iyong mga prinsipe na magilas na doon. Lyca clicked her tongue. Sa kanyang walang gaanong karanasan sa pagpana, paano niya masisiguradong sa mansanas at hindi kay Prinsipe Johannes tatama iyong pana? She gripped the bow she was holding. Lalo tuloy siyang kinabahan. "I know it's hard.." Lumapit ang pangalawang prinsipe sa kanyang tabi. "But I'm afraid, we can't give up now. Nasa huli na tayong segment." Humarap ito sa kanya, ang mga kamay ay nakasuot muli sa bagong suot nitong gear. "Kailangan nating mapanalo ang round na ito para madali sa atin ang makahabol sa sunod na laro.." The bride to be, was left in circles. Parang pakiramdam tuloy niya ay umiikot ang paligid niya. Kung kailan naman gusto niyang umayaw, saka naman hindi pwede. Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Ah. Hindi pwede. Hindi na pwedeng basta na lamang siyang susuko kung kailan patapos na at marami na silang pinagdaanan. Bahala na. Muli ay nakaramdam siya ng kaba sa kanyang dibdib, na waring may mga kabayong nagtatakbuhan doon. Ipinilig niya ang kanyang ulo at tumingala sa prinsipe. It must be the interest of her to the prince that pushed her to it. She wanted to know the aftereffect of how his greed and drive to the throne. She wanted to know more of him. Nakakatawa 'mang aminin, pero iyon ang totoo. "Do you trust me, Your Majesty?" Pangalawang tanong niya dito, may angking kaseryosohan ang mukha niya. Tumawa ito ng kaunti. "I do. I already told you last time, right?" He stepped a few closer to her and tilted her chin up. "Whatever you'll do, I trust you.." Binitiwan na nito ang kanyang baba. The words of the prince somehow left her in assurance na kahit anong gawin niya magtitiwala pa rin sa kanya ang prinsipe. Ngumiti siya dito at humarap na sa unahan. Akala ni Lyca ay may inihanda muling draw lots si Michael para malaman kung sino ang mauuna sa round na iyon, hindi pala. They just decided about the order of the princes in the royal family. Prince Johannes is the second prince, so they are the second. But since the first prince, Prince Jerremiah was defeated on the said round, mamomove iyon sa kasunod. Hence, they will be the first ones. "Heto.." Kinuha ni Prinsipe Johannes ang kanyang mga pana sa kanyang tagiliran at iniabot sa kanya. "Gamitin mo 'to.." "P-Pero, Kamahalan. Hindi ko pwedeng kuhanin 'yan. Sayo 'yan.." "Basta, kuhanin mo na.." Ibinalik naman nito ulit ang mga iyon, matapos niyang ilayo. "I already conditioned them. 'Yung sayo, hindi pa.." Hinawakan nito ang kanyang kamay at nilagay doon ang mga kagamitan. Completely out of words to say, tanging pagtango lamang ang naging sagot niya. "Thank you, Your Majesty.." "Good.." Prince Johannes nodded at her too and jogged to the front. From an equal distance, she saw one of the assistants picked an apple from inside the basket and put it atop of the royal prince's head. Pumwesto na si Lyca sa kanyang position. Kagaya ng ginawa niya sa mga una niyang mga laro, pinakalma niya ang sarili at huminga ng malalim. Nang masigurong hindi na gaanong nanginginig ang kanyang mga kamay ay pinaghiwalay niya ang kanyang binti. Itinaas niya ang kanyang mga braso, ang isa'y humihila sa unahan ng arko, ang isa naman ay sa pana—gamit iyong hintuturo at hinlalaki sa makapal na lastiko doon. Pinasingkit niya iyong kanyang isang mata. Gladly, her eyes was not playing her vision. Malinaw niyang nakikita ang nakapatong na mansanas sa ibabaw ng ulo ng prinsipe. Humigit siya ulit ng hangin. Narinig niya ang trumpeta sa kanyang tabihan at pinakawalan ang pana. As she released the arrow, the threads of her black hair that already escaped, flew with the wind. Tahimik lang siya at nakatikom lamang ang bibig. Afraid that making a sound may affect the force of the arrow. Nanatili siya sa kanyang pwesto. Pumikit siya at tahimik na umusal ng dasal. Please make it work. Please.. be safe. Nang magmulat siya ng kanyang mata, walang mansanas siyang nakita. Walang mansanas na gumulong sa lupa. Her breathing was starting to be heavy. The grip from the bow she was holding tighten as her eyes flutter open. Hindi niya makita ang prinsipe. Halos maupos ang kanyang hininga sa kaba. Nanunuyo na rin ang kanyang lalamunan. Nakaramdam siya ng takot. Did she really.. shoot him? Suddenly, the assistant beside the prince waved a red flag. Nahulog iyong hawak niyang mga pana. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang tingin. Wala na rin siyang makita. Nanlalabo ang mga iyon dahil nagngingilid na iyong tubig na hindi niya alam ay namumuo na pala sa sulok ng kanyang mga mata. She bit her lower lip, unable to say something. When she blinked, she was met by those captivating coffee orbs, she was so familiar with. "Dapat na pala akong matakot sayo.." Nakangiting bungad nito sa kanya. "Look what you did. It was almost cut in half—" Pero hindi na naituloy ni Prinsipe Johannes iyong sasabihin niya dahil niyakap niya ito ng mahigpit. Pumikit si Lyca at hinayaang sumubsob sa dibdib ng prinsipe. "Thank God.." Mahina niyang usal. "Thank God, you're.." "Alive?" Putol na rin nito sa kanyang sasabihin at hinili pa siya papalapit. "To tell you honestly, I'm quite suprised. Hindi ko alam na ganoon ka na pala kagaling pumana.." Tumawa ito. His laugh vibrated against his chest at rinig na rinig iyon ni Lyca. At least, makakahinga na rin siya ng maluwag. But then, something inside her flicked. Tinulak niya palayo ang prinsipe. What the hell did she just do? Tumingala siya sa prinsipe at halatang nagulat ito sa kanya. His head tilted sidewards pagkatapos ay anyong hahawakan pamuli ang kanyang kamay. Mabuti na lamang ay nakaurong siya palayo dito. "What's the matter?" "I need.. to go to the bathroom.." Iyon lamang at tumalikod na siya sa prinsipe, leaving him in the middle of the field. Habang naglalakad ay hindi niya maisip na magagawa niya iyon. She was certain that it was all caused by her body. Tiningnan niya ang kanyang mga kamay. Parang may sariling utak ang kanyang katawan at basta na lamang yumakap sa prinsipe. Napahilamos siya sa kanyang nag-iinit na mukha. How dare she throw herself like that to the prince? Kulang na ata talaga siya sa tulog kaya wala ng natirang kahihiyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD