Hindi alam ni Prinsipe Jerremiah ang nag-udyok sa kanya para tangkaing halikan si Lyca. Ang alam lang niya, kusang gumalaw ang kanyang katawan para kabigin ito sa bandang batok nito, papalapit sa kanya. Mabuti na lamang, tinulak siya nito palayo. Kung hindi ay baka naghalo ang balat sa tinalupan. Dumako ang tingin niya sa pancakes na nasa lamesa. He admit. That gesture of her hurts him. Gamit ang isang palad, pinahid niya pabalik sa kanyang ulo ang nagtakasang hibla ng buhok sa kanyang noo. Nahirapan siyang lumunok. It must be because he likes Lyca. Matagal na niya ring naamin iyon sa kanyang sarili, medyo nahirapan pa nga siyang i-acknoweldege iyon dahil matigas ang ulo niya. And, knowing himself, hindi niya basta-basta ini-entertain ang ganoong klaseng pakiramdam. But this time, to thi