Kahit na tirik na tirik ang araw ay nagdilim agad ang paningin ni Prinsipe Johannes nang makita ang dalawang pigura sa kanyang unahan. Nandoon sa balcony ni Lyca si Prinsipe Jerremiah at tumatawa ang dalawa. Parang napunit ang kalahati ng puso niya sa nakita. Umigting ang kanyang panga habang nangunguyom na ang kanyang mga palad. Gusto niyang tawirin ang daan sa ere patungo sa balcony para mapaglayo ang dalawa. "Kamahalan?" Takang tanong ni Michael sa kanyang tabi. Natigil ito sa kanyang paglalakad nang mabunggo sa likod niya. "Bakit kayo napahinto.. ah." Base sa huli nitong tanong, sa palagay ni Prinsipe Johannes ay nalaman na ng Consuejo ang dahilan kung bakit siya nahinto sa paglalakad. Kagagaling lang nilang dalawa ni Michael sa opisina ng hari. Nag-ulat sila tungkol sa trabahong d