ELLEN POV. “Aneth, Ellen, Marialenneth, Ma. Meliza Montalvan Salazar!” Lahat ng neckname at buong pangalan ko na talaga ang binigkas ni Sir Argus… at doon ko agad nalaman na ubos na ang pasensya ng asawa ko. May diin ang bawat salita, may halong inis, ganun pa man may pag-aalala, at kahit pilit niyang itinatago, ramdam ko ang pangamba sa tono ng boses niya. Kanina pa kasi ako makulit, kanina pa ako nagyaya na maligo kami sa swimming pool. Ayaw na ayaw niya. Delikado raw sa kalagayan ko. Delikado para sa bata. Pero ang totoo, hindi naman talaga paglangoy ang pakay ko. May ibang dahilan. Isang buwan na ang lumipas mula nang mag-viral ang video niya. Isang simpleng eksena lang noon, pero nagbunga ng isang bagay na hindi namin inaasahan, malaking halaga ang kinita ni Mercedes. Sapat para

