ARGUS POV. NAGLALAMBING ang asawa ko. May kakaiba sa ngiti niya… may halong lambing at pilyong hamon. Gusto raw niyang magluto ako. Ipakita ko raw sa kanya kung gaano ako kagaling sa ibang bagay… tulad ng pagluluto. Kaya narito kaming dalawa sa kusina. Nakaupo siya sa gilid, tahimik ngunit puno ng tuwa habang pinapanood ang bawat galaw ko. Nagyabang kasi ako… na kaya kong magluto ng kahit anong klase ng pasta. May isa pa siyang kahilingan. Wala raw akong dapat suot na t-shirt o sando. Apron lang. Napailing ako, napangiti… pero sinunod ko pa rin. Mabuti na lang at may mga kasambahay sa paligid. Kung kaming dalawa lang sana… baka kanina pa akong naging si Adan. Masayang-masaya ang buntis kong asawa habang pinagmamasdan ang aking katawan. Kita sa mga mata niya ang aliw… at hindi lang si

