ELLEN POV. HABANG nakamasid ako sa aking asawa na si Argus, lihim akong nagpapasalamat sa Diyos. Ipinagkaloob Niya sa akin ang isang lalaking hindi lamang gwapo, kundi mapagmahal at tunay na maalalahanin. Kaya kahit gaano kahirap ang dinaranas ko sa aking paglilihi, ayos lang… sapagkat sa bawat sandali, lagi ko siyang kasama. Siya ang nagbibigay ng lakas kapag ako’y nanghihina sa kakasuka at siya din ang nagbibigay ng kapanatagan kapag nakakaramdam ako ng takot. Mabuti na lamang at nagtyaga akong maghintay. Kahit may mga nanliligaw noon sa akin, wala akong tinanggap ni isa. Wala kasi akong ibang pinapangarap na lalaki… kundi ang lalaking ngayon ay asawa ko na. Naalala ko pa ang unang pagkakataong nakita ko siya. Isang sulyap lang, ngunit sapat na upang gumulo ang aking mundo. Agad akon

