ARGUS POV GINISING ako ng sunod-sunod na ring mula sa bedside table, naroon ang cellphone ko. Sa unang tunog pa lang ay kumunot na ang noo ko… ayaw ko pang bumangon, lalo na’t mahimbing ang tulog ni Aneth sa tabi ko. Ayokong magising siya, kaya kahit labag sa loob ko ay napilitan akong abutin ang cellphone. Namamaos pa ang boses ko nang sagutin iyon, at agad akong napabangon ng marinig ang malakas at halatang iritadong boses ni Kuya Hugo. Sa isang iglap, naglaho ang antok ko. Bumaba ako ng kama at nagtungo sa veranda, doon ko pinagpatuloy ang pakikipag-usap. Tahimik pa ang paligid, malamig ang hangin, ngunit unti-unting umiinit ang pakiramdam ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng kapatid ko. Tuluyan akong nahimasmasan nang marinig ang sinabi niya… bakit daw ako nagbibilad ng katawa

