ELLEN POV. ANIM na buwan ang lumipas, at sa wakas, handang-handa na ang lahat para sa aming kasal. Kahit saan ako lumingon, lahat ay perpekto. Tahimik at maayos ang buhay namin ni Sir Argus. At ngayon… ngayon ang araw na pinakahihintay ko sa buong buhay ko: ang pag-iisang dibdib namin. Tama, hanggang ngayon, ganoon pa rin ang tawag ko sa kanya: Sir Argus. Hindi lamang dahil nakasanayan ko, kundi dahil gusto ko... ang bawat pagbigkas ng kanyang pangalan ay may halong pagmamahal at katiyakan sa puso ko. Hindi kalayuan ang simbahan mula sa hotel na kinaroroonan namin. Sampung minuto lang ang biyahe. Ngunit habang nakaupo sa sasakyan, panay ang tingin ko sa cellphone na hawak ko. Tila mabagal ang takbo ng sasakyan… at ramdam ko ang unti-unting kaba sa dibdib. “Pakibilisan po, baka hindi ta

