ARGUS POV. AYAW ni Aneth na tumuloy kami sa honeymoon. Maselan ang kanyang pagbubuntis sa aming unang anak, at dahil doon ay agad naming kinansela ang planong matagal na naming inasam. Hindi rin naman ako nanghihinayang… sapagkat higit na mahalaga sa akin ang kaligtasan niya at ng batang dinadala niya kaysa sa alinmang paglalakbay o pansariling kasiyahan. Gayunman, sa susunod na linggo ay imbitado kami sa ika-49 na anibersaryo ng Mondragon’s Airline Company. Isang engrandeng pagtitipon iyon, subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin tiyak kung makakapunta kaming mag-asawa. “Sir Argus,” marahan niyang wika habang bahagyang nakasandal sa unan, “ikaw na lang ang pumunta. Dito na lang ako sa bahay. Mas gusto kong matulog lang.” aniya na may konting ngiti. At alam ko gusto lang niyang mag-enjo

