ELLEN POV NAKARAMDAM ako ng bahagyang panginginig habang papasok kami sa loob ng semi-mansion. Hindi ko mapigilang kabahan… hindi ko alam kung paano haharapin ang buong pamilya ni Sir Argus. Iba ang bigat ng unang pagkikita namin ng mga kapatid niya; para bang bawat hakbang ko ay napaka bigat ng magkabila kong paa. Nang malapit na kami sa kinaroroonan ng lahat, bigla akong natigil sa paghakbang. “Sweetheart, bakit?” agad na nag-aalalang tanong ni Argus. “May nais ka bang sabihin?” “W-wala naman…” mahina kong tugon bago napabuntong-hininga. “Kinakabahan lang ako. Paano ako haharap sa kanila? Ano ang sasabihin ko?” ani ko sa mahinang boses. Ngumiti siya… isang ngiting may halong lambing at katiyakan… saka marahang hinawakan ang aking kamay. “Wala kang dapat ipangamba,” wika niya. “Maba

