ANG PAGBAWI NG MANSION

1937 Words

ELLEN POV. HINDI ko natiis. Agad akong bumaba nang makita ko ang mga tauhan ni Tita na nakatutok ang mga baril kay Sir Argus. Walang pag-aalinlangan, mabilis akong pumagitna sa kanilang lahat. “P-please… huwag n’yo siyang babarilin,” nanginginig kong pakiusap bago bumaling sa aking tiyahin. “Pakiusap po, wala siyang kinalaman dito. Huwag n’yo po siyang sasaktan.” Pagsusumamo ang tanging nagawa ko, hindi alintana ang panlalabo ng aking paningin dahil sa walang tigil na pagbukal ng mga luha na dumadaloy sa magkabila kong pisngi. Halos hindi ko na makita ang nasa paligid ko, ngunit malinaw na malinaw sa aking isipan ang iisang hangarin—ang mailigtas si Sir Argus mula sa kamay ng aking tiyahin. Sa sandaling iyon, hindi ko na inisip ang sarili ko, ang takot, o ang maaaring mangyari sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD