Kabanata 113

2106 Words

Halos magpagting ang tainga ni Pablo sa narinig. Agad siyang kinain ng galit na matagal na niyang kinikimkim kay Maximo. Napakarami na nitong nagawang atraso sa kanya. Liban sa mga ginawa nito kay Amadeo ay may personal din siyang galit dito—galit na hindi niya masabi-sabi kay Amadeo. Kaya siya napunta sa ilegal na mga gawain ay dahil kailangan niya ng pera para sa pag-aaral ng kapatid niyang babae; ng kaisa-isang pamilyang mayroon siya. Labis-labis ang tuwa niya nang makapagtapos ito. Hindi niya lang masabi kay Amadeo dahil itinatago niya ang kapatid mula sa kahit na sinong may koneksyon sa mafia. Para sa kanya ay labas na ang kapatid niya sa mundong ginagalawan niya. Nagsinungaling din siya sa kapatid niya tungkol sa trabaho niya. Ang alam nito ay isa siyang personal bodyguard ng isang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD