"WHAT? PINATAY Si Bernard ng sarili niyang ama? At pinatay ni Bernard ang sarili niyang ina?" gulat na tanong ni Paulin kay Blaire nang maikuwento nito iyong nangyari nitong nakaraan. Tumango si Blaire. "Oo, tama ka. Kitang-kita mismo ng mga mata ko ang nangyari. Iyong ama sana ang babarilin ni Bernard pero tumakbo ang mommy niya at hinarangan ang bala kaya ito ang nabaril. Nang matumba ito, saka pinaulanan ng bala si Bernard ng sarili niyang ama." "OMG! Nakakatakot naman iyan, Blaire. Nakakatulog ka pa ba gayong ikaw mismo ang nakasaksi noon?" nagtatakang tanong ni Danny. Muli siyang tumango. "Nakakatulog naman pero hindi ko talaga mapigilang alisin iyon sa utak ko. Hindi pa ako nakaka-move on sa nangyari, sa totoo lang. Nalulungkot ako kasi may dalawang nawala." "So, anong nangyari s

