PAGKAMULAT NA PAGKAMULAT pa lang ni Blaire ay bumungad agad sa kaniya ang kulay puting kisame. Umupo siya sa kinahihigaan at tiningnan ang kinaroroonan niya. Nasa hospital siya. Ngunit anong ginagawa niya rito? Mariin niyang ipinikit ang mga mata at inisip ang nangyari. Ngunit ilang segundo pa lang ang lumipas nang maalala niya ang nangyari. Si Sergio at ang magulang niya. Dali-dali siyang bumaba sa kama at kahit masakit ang likod, nagawa pa rin ni Blaire na tumakbo palabas kahit walang sapin sa paa. Kailangan niyang mapuntahan sina Sergio. She wants to see them right now. Nag-aalala na siya sa kalagayan ng mga ito. Nang makalabas, bumungad agad ang isang lalaki sa kaniya. If she's not mistaken, ito iyong tito ni Sergio na si Tiago. Hilam ang mga mata nito at parang kakatapos lang umiyak.

