"SORRY, SERGIO! I'M so sorry. Mahal na mahal ki—" Sunod-sunod ang pag-alingawngaw ng putok ng baril. Kasabay noon ay ang pagkatumba ng tatlong lalaking humahawak sa dulong kadena. At dahil nabitiwan ng mga ito, hindi na nabigti si Sergio. Dahil hindi nabalanse ang sarili, natumba ito. Napangiti nang malapad si Blaire dahil sa nangyari. Pero natigilan si Blaire nang may pumasok sa warehouse. May mga hawak itong baril habang nakatutok kina Bernard. Hindi maaaring magkamali si Blaire dahil pamilyar ang iba. Nandoon ang daddy ni Sergio at... at mommy ni Bernard? Anong ginagawa nito rito? Sa tabi ng daddy ni Sergio, may isang lalaking nakatayo na parang magkaedad lang. Sa likod, may tatlong lalaki habang hawak ang ina ni Bernard. Nang makalapit ang mga ito sa kanila, tumigil ang mga ito. "Wha

