MARAMING BUWAN ANG lumipas at namalayan na lang niya na kabuwanan na niya. Hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha ni Blaire dahil malapit na niyang mailuwal ang anak niya. Para mas exciting, hindi siya nagpa-ultrasound. Gusto niyang malaman kung ano ang kasarian ng anak niya kapag nailuwal niya. She can't wait. Gusto na niyang bumilis ang oras pero imposibleng mangyari iyon kaya wala siyang ibang magawa kundi ang maghintay. Minsan ay umiiyak si Blaire dahil sumasakit ang tiyan. At pansin lang niya, masyado yatang malaki ang tiyan niya. Napansin din ito ng mommy niya. Baka raw kambal ang anak niya kaya malaki. Sometimes, pinupuwersa siya nitong magpa-ultrasound na para makita ang nasa loob. But she didn't follow her mother. Kung ano man ang lumabas sa tiyan niya, isang sanggol man o kambal,

