"LOOKING GOOD, HUH?" Natigilan na lang si Blaire sa ginagawa nang marinig ang boses na iyon. Agad niya iyong hinarap at napangiti siya nang makita ang Tito Jarred niya. "Tito Jarred, what are you doing here?" tanong niya rito. "I came here to talk to your mother. Where is she?" "Nasa kuwarto siya, Tito Jarred," she answered. "Sige, maiwan muna kita. Kakausapin ko lang siya." She just nodded. Ang Tito Jarred naman niya ay naglakad na patungo sa ikalawang palapag ng bahay para puntahan ang mommy niya. Ang daddy niya ay wala ngayon dahil abala ito sa pagtatrabaho sa sarili nitong kumpanya. Sunod-sunod na napailing si Blaire saka ipinagpatuloy ang pagba-vacuum ng sahig. Sa totoo nga niyan ay ayaw pa siyang payagan ni Manang Tina dahil buntis siya pero dahil nagpumilit, napapayag na niya

