SUNOD-SUNOD NA pinagsusuntok ni Sergio ang manibela nang makapasok siya sa sariling sasakyan. Galit na galit siya ngayon dahil pakiramdam niya ay naisahan siya. Blaire chose that f*cking man over him. Ano bang mayroon sa lalaking iyon na wala siya? Hindi siya titigil hanggat hindi sila nagkakabati. He will do everything bumalik lang ang dati. Hindi na niya kaya ang sitwasyon ngayon. Gusto na niyang ibalik ang nakaraan na masaya siya dahil kapiling niya ang mahal niya. Hindi siya makikinig sa ama ni Blaire. Hindi siya nito maaaring utusan dahil naniniwala siya na maaaring pang maayos ang isyu ngayon. Ilang araw siyang nagkulong sa kaniyang kuwarto. At walang araw na hindi nalalamanan ng alak ang tiyan niya. Gusto niya lang ng alak. Ni hindi niya nagawang kumain nang maayos. At halos pabaya

