"AT IKAW? SINO kang gago ka para hawakan at halikan si Blaire?" Nagbaga ang mga mata ni Sergio habang nakatingin kay Charles. "Ah, ikaw pala iyong lalaking nanloko kay Blaire." Bahagyang lumapit si Charles kay Sergio. "At ang kapal ng mukha mong saktan si Blaire!" sigaw ni Charles saka walang ano-ano'y sinuntok nito si Sergio sa mukha. Kaagad naalerto si Blaire ng mga sandaling iyon. Pinatigil niya ang dalawa pero hindi nakinig ang mga ito. Bumawi rin si Sergio kay Charles. Nagsuntukan at nagpambuno ang dalawa. Sinubukang pigilan ni Blaire ang dalawa pero animo'y bingi ang mga ito. Nakita niya kung paano suntukin ng dalawa ang bawat isa at nang mapahiga si Charles sa semento, mabilis na lumuhod si Sergio sa harap nito at sunod-sunod na pinagsusuntok ang mukha ni Charles. "Wala kang alam

