ONE YEAR LATER... "Ang hirap makita na unti-unti nang lumalaki ang mga apo ko." Napatingin agad si Blaire sa mommy niya na kasalukuyang tinutulak ang stroller kung saan naroroon si Nixon. Huminto siya sa kaya naman huminto rin ito at may lungkot sa mukhang bumaling sa kaniya. "Mommy, normal lang naman po iyang iniisip mo. We both know na mahirap talagang makita na iyong sanggol pa lang noon, unti-unti nang lumalaki at nagkaka-isip. It's hard to think that pero wala na naman po tayong magagawa, mommy. Lahat ng tao, nagbabago," aniya rito. "I know, anak. Pero nalulungkot lang ako na baka hindi ko na sila makapiling kapag lumaki na sila. You know, patanda na kami ng daddy mo. Anytime, puwede kaming mawala sa mund—" "Mom," putol niya rito. "Don't ever say that. Matagal pa kayong mabubuhay

