"WALA MAN LANG tayong apo na naging kamukha natin." Biglang napatingin si Blaire sa daddy at mommy niya. Kasalukuyang nasa salas sila. Magkatabi ang mommy at daddy niya sa sofa habang pinagmamasdan sina Archi at Nixon sa lapag habang abala ang mga ito sa paglalaro. Samantalang si Blaire naman ay kaharap ng mga ito— nakaupo habang abala sa kaniyang laptop. She's editing a new vlog. Yes, after almost two years, makakapag-upload na rin siya ng bagong video. Her new content now is about her twins. Saka na iyong travel vlog kapag lubusan nang maayos ang lahat. "Ano ba iyang sinasabi mo, Franco? It's fine. Baka sa susunod, kamukha mo na ang apo natin," sagot ng mommy niya sa asawa nito. "Nakakainggit si Steve, Betty. Kamukha niya sina Archi at Nixon." "Dad, you don't need to say that. Huwag

