KIERA POV Kahit hanggang sa dumating kami sa tapat ng sasakyan na nakahanda na ang bukas na pintuan nito ay nakasunod pa rin ang sunod-sunod na flash ng camera. Maingat ang bawat galaw ni Darren na inalalayan akong pumasok sa sasakyan. Pilit man lumalapit ang mga reporter ay hindi nila magawa dahil na rin sa dami ng bantay ko. Pagpasok ko ng sasakyan ay kaagad din sumunod sa Darren at sa unahan ay si Bryle na nagmamaneho habang nasa tabi nito Mac. Paglingon ko sa likod ng sasakyan ay nakita ko si Kino na isinirado ang pintuan pagkatapos pumasok ang kanyang asawa sa isa pang sasakyan. "Kiera, ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Darren. Napalingon ako sa kanya nang hawakan nito ang magkabila kong pisngi. Nagtama ang aming mga mata kaya nakangiti akong tum