BRYLE POV Sadyang may mga bagay na hindi natin inaasahan. Mga bagay na hindi mo inakala na mangyayari sa'yo. Sadyang dumarating ang mga pangyayari na hindi mo inaasahan ngunit babago sa mga paniniwala mo at pananaw sa buhay. Katulad na lang sa nangyari sa amin ng asawa ko. Hindi ko man inaasahan na mahulog ang loob ko sa kanya ngunit naging masaya naman ako. Hindi man siya ang tipo ng babae na pinangarap ko ngunit kusa ko na lang siyang minahal. Dumaan sa mahabang proseso hanggang sa kusa ko na lang naramdaman na siya na ang gusto kong makasama hanggang sa huling hininga. Sa kanya ko nakita ang kapayapaan ng puso ko. Siya ang nagdulot ng kakaibang ligaya na hindi ko pa naramdaman sa tanag buhay ko. "Kino, anong ginagawa mo ngayon? Pinakita mo ba sa iba 'yang ngiti mo,huh? Sa akin k