“I WANT you to investigate my wife.” Hirap ang kaloobang tumingin si Eric sa litrato ni Dana. Nararamdaman na naman niya ang kirot sa dibdib. Ilang araw pa lang wala ang asawa sa bahay niya, pakiramdam niya ilang taon na itong wala sa tabi niya. Ang lungkot. Sobra. Hindi siya prepared sa ganitong pakiramdam. Ang dilim at ang tahimik ng bahay niya. Araw ngayon ng Biyernes, dapat nandito na rin ang anak. Kaso wala ito dahil iniwan na nga siya kasama ng asawa. Kaya parang nasa sementeryo siya ngayon, napakatahimik. Kaya tama si Sebastian. Kung mahal niya ang mag-ina niya, kailangan niyang ayusin muna ang problema niya bago ito kausapin. Ang magulang niya talaga ang rason kung bakit iniwan siya ng nga ito. “Everything about her, detective, and I want it ASAP.” “Yes, Mayor,” magalang na s