DALAWANG beses na pinukpok ni Eric ang ulo dahil sa alaalang iyon. Ilang beses na niyang nabalika ito nang bumalik si Dana sa buhay niya. Nasaktan niya ito. Ito ang katalik niya pero ibang pangalan ang nabanggit niya. Kaya pala bandang dulo ay nagpumiglas ito. Akala niya lang noon, sabik siya sa mga bata dahil wala namang bata sa kanila. Nag-iisang anak siya ng Mama at Papa niya, kaya sabik siya sa ingay pagdating sa bahay. May kapatid nga siya sa labas pero wala rin itong anak at malayo ito sa kanila. Muli niyang itinuon ang mata sa litrato. Napangiti siya nang makita ang magagandang ngiti ng asawa habang nakatingin sa anak. Nakaka-miss ang ngiti niya. Napapikit pa siya para alalahanin ang ilang scene nilang dalawang tuwing umaga sa malawak niyang kama. Lalo na kapag ginigising niya.