“HOW is she?” agad na tanong ni Sebastian kay Eric pagkapasok nito sa silid na inuukupa ng asawa. “She’s fine now.” “Good to hear. How about the baby?” “Hindi naman naapektuhan. Pero si Dana, baka bukas pa siya magigising.” “What? Why?” sunod-sunod nitong tanong. “May kasamang pangpatulog pala sa ininom na gulaman ni Dana. Isa iyon sa nakita ng doctor matapos suriin siya. At pina-check ko na ang CCTV, meron ngang nailagay nang yumuko si Dana para kunin ang nahulog na bag. ” “Oh my God,” anas nito. Tumingin si Sebastian sa asawa na wala pa ring malay. “Nang matanggap ko agad ang tawag ng tauhan ko tungkol sa pagtakas ng mga San Juan, tinawagan ko si Dennis para i-check si Dana. Kaso nakaalis na. Buti na lang at na-track agad siya. Anyway, on the way si Diane at ang ambulance para il