NAGISING si Dana na masakit ang ulo. Sinapo pa niya iyon. Pero natigilan siya kung bakit sumakit iyon. May pumukpok sa ulo niya! “Aahh!” Sinapo niya ang ulo na may benda. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at inilinga ang paningin. Hindi niya alam kung nasaan siya ngayon pero wala siya sa silid na madilim gaya nang inaakala niya. Kinidnap siya, ‘di ba? Kaya ‘yon ang ini-expect niya. Saka mukha ni Jarvey ang huling nakita niya kaya hindi ganitong environment ang inaasahan niya. Hindi niya maiwasang magtaka rin dahil wala siyang posas. Nakahiga rin siya sa malambot at malapad na kama. Malinis at maayos rin ang paligid. Ang cozy nga tingnan. Kinapa niya kapagkuwan ang tiyan niya at pinakiramdaman. Gaya pa rin naman ng dati. Saglit niyang kinumusta ang anak. Napangiwi siya kapagkuwan nan