Pagkalabas ni Lailani sa van na naghatid sa kanya ay halos takbuhin niya ang eskenitang papasok sa kanilang lugar. Halos hindi siya lumingon at determinadong matakasan ang dalawang babae. Binubuo na sa isipan ang plano, kailangan niyang magsabi sa ina at kapatid hinggil sa kinahaharap na problema, siguro naman ay maiintindihan siya ng mga ito. Litong-lito at gulong-gulo kung papayag ba ang mga itong sumama sa kanya paalis sa lugar na 'yon pero bahala na, ang importante ay makatakas siya sa ngayon. Pagdating sa kanilang bahay ay mabilis siyang pumasok at laking gulat niya nang pagbukas ng pinto ay kitang may bisita ang ina, walang iba kundi si Leon. Sa pagdating niya at biglaang pagpasok ay nagulat din ang mga ito. "O, anak, ikaw na pala 'yan, mabuti naman at nakauwi ka na dahil hinihin