Mahabang katahimikan ang lumukob kina Celia at Santa dahil sa kanilang napagtanto. Ilang beses inisip ni Santa kung papaano nagawa ng kaibigang si Lailani ang gawin ang bagay na ikakasira niya gayong halong kapatid na ang turingan nilang dalawa. Naglalaro pa sa isipan ang ilang pagbabago sa kaibigan matapos ang araw na 'yon. Naging maluho ito dahil nagawang makabili ng bago nitong gamit, idagdag pang nagkaroon ito ng bagong cell phone. Lumakas lalo ang hinala ni Santa na baka binayaran ang kaibigan upang i-set-up siya pero sino ang gagawa noon, sino ang mag-uutos dito? Napatitig si Santa sa ina, ganoon din naman ito kanya na parang nahuhulaan ang tumatakbo sa kanyang isipan. Isa lang ang solusyon na naiisip ni Santa sa kanyang isipin, 'yon ay ang makausap ng masinsinan ang kaibigang si