Hindi na nagawang pigilan pa ni Leon si Santa nang makalabas sa kanyang sasakyan, mabilis nitong pinara ang paparating na pampasaherong dyip at walang lingon-lingon na iniwan siya nito. Lumakas tuloy ang hinala niyang minanipula ni Brittany ang larawan, kung paano ay hindi niya alam. Nais man niyang kausap pa si Santa pero mukhang kailangan nitong mapag-isa, ganoon din naman siya lalo na't masyado siyang naapektuhan sa halik dito. Nang iwan siya ni Santa ay minabuti niyang bumalik sa kanyang opisina, patungo na siya sa kay elevator nang agad na mamataan si Brittany na papalabas doon kaya mahilis siyang umiwas dahil tiyak na kukulitin siya nito. Maswerte namang hindi siya napansin ng babae at deretso itong lumabas sa main exit ng kanyang building. Napakunot-noo pa si Leon nang mapansing