Chapter 88: Ex versus Assistant

1600 Words

Nang mawala ang lalaking nagpakilalang Marcial Degamo ay tila naman natotorpe si Leon at hindi makapagsalita sa tahimik na tahimik na si Santa. Ilang sandaling namalagi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa bigyan din siya ng lakas upang imikan ito. "Can we talk?" mahinang usal kay Santa. Nanatili naman itong tahimik at tila wala itong balak na sagutin siya. "Please," sumamo pa ni Leon. "Ano pang pag-uusapan natin? Binato mo na ako ng mga bintang na hindi ko naman ginawa. Baka iniisip mong nakikipaglandian na naman ako," puno ng hinanakit ang bawat bitaw ni Santa ng mga salita. Napabuntong-hininga si Leon sabay pamulsa saka pinagmasdan ang babaeng nakayuko sa kanyang harapan. "I'm sorry," anang niya nang makitang nag-angat ito ng tingin. "Hindi ko alam kung ano ang n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD