Maagang nagtungo si Leon sa construction site upang kausapin ang kanyang foreman at head engineer upang mabilinan niya ang mga itong mawawala siya. Nakausap niya na rin ang kanyang accountant para sa pasahod ng mga trabahador. Lutang ang isipan ni Leon habang kausap ang dalawa dahil kay Santa, hindi kasi siya makapagdesisyon kung pupuntahan ba ito sa kanila o hindi. "Biglaan naman, sir ang alis niyo?" hirit ng kanyang head engineer. "Oo nga, e, nagmamadali kasi ang kompanyang bibili ng kompanya ko na payag sa terms and conditions ko kaya kinakailangan ko na ring i-grab ito dahil baka mahirapan na akong humanap ng ibang kompanya na kayang tanggapin ang aking terms and conditions," ani Leon. Bukod kasi sa kailangan i-acquire ng kompanya ang negosyo niya at mga trabahador ay humingi rin s