"Huwag ka ng Kj, tara na dali." Nakikipaghilaan ako kay Mae dito sa labas ng bar sa BGC. Hindi talaga magandang ideya ang makipagkita sa kaniya. Dapat talaga hindi na ako tumuloy kanina eh. "Magagalit si Ethan, umuwi na tayo Mae." Hinihila ko ang kamay ko. "Ang kj mo talaga. Masyado namang mahigpit 'yang Ethan mo na 'yan. Label muna bago maging possesive," aniya. Bumuntong hininga ako. Ayaw ko lang naman na may maging dahilan ng pag-aaway namin. Ang sakit kaya sa ulo kapag ganiyan na magkagalit kami. "Saglit lang tayo. Sige na," pamimilit ni Mae. "Isang oras," sabi ko. "Puwedeng dalawa naman," hirit niya. Inakbayan niya ako at naglakad na kami papasok ng bar. Naalala ko tuloy iyong first time kong pumasok dito sa bar. Dahil sa plano ni Erika. And speaking of Erika, nasabi na