"Sigurado ka bang ayos lang sa'yo na mag-isa ka dito?" tanong niya ng pang-sampung beses na yata. Ngumiti ako at tumango, ayos lang naman sa akin. Nang sa gano'n ay maplano namin ng maayos ang gagawing surprise para sa birthday niya. "Ayusin mo ang passport mo, mag-Japan at Europe tayo sa mga susunod na buwan," sabi niya na kinangiti ko. May mga ganiyan na din siyang naiisip tungkol sa amin. Abot langit na sana ang kilig ko kung maging official na kami. Label na lang talaga ang kulang sa relasyon namin, iyon ang sabi ni Ate Julie. Sabi niya ipagdasal ko daw na sana ay tuluyan ng mahulog sa akin si Ethan. "Excited na ako," sabi ko. Kaya naman bukas pupunta ako ng DFA para makapag-apply ng passport. "Be a good girl while I'm away, okay?" aniya sa malambing na tono. Tumango ako a

