Pinili kong isuot iyong peach na lace dress na binili niya sa akin last month. Sinamahan kasi namin last month ang lola niya na mag-shopping, wala naman akong hilig sa mga mamahaling damit pero pinipilit ako ng lola niya na mamili din daw ng gamit ko. Hindi ako namili, si Ethan ang kumuha at pumili ng mga damit at binayaran. Kahit naman anong sabihin ko hindi nakikinig. Ang mamahal pa ng mga damit at sapatos na pinili niya. Isang damit- katumbas na yata ng isang buwan na sahod ko noon sa mall. Paglabas ko ay nangiti si Ethan habang pinapasadahan ako ng tingin. Naku, tumatalab na yata ang gayuma. Kitang-kita sa mukha niya ang paghanga. "You're so beautiful in that dress, but you're gorgeous when naked," sabi niya sabay kagat labi. "Naku, nakailan ka na kagabi ha. Tara na." Nauna