"Kumusta ka diyan? Hindi na kita natawagan kagabi dahil anong oras na din akong natapos makipag usap sa mga kliyente, mahimbing na ang tulog mo no'n," sabi ni Ethan mula sa kabilang linya. "A-Ayos lang 'yon. Miss na kita," sabi ko. Ang lungkot ko ngayon, pakiramdam ko ay napakasama ko dahil may nagawa akong alam kong ikakagalit niya. "I miss you too. Don't be sad," aniya sabay buntong hininga. "Maayos na ba ang problema?" tanong ko. "I hope so, may ilang foreign investor na hindi ko pa nakakausap. Hirap magpa-set ng appointment. Pakiramdam ko ay may foul play." "Tingin mo may kinalaman sina Kristoff o si Erika?" Sila lang naman ang puwedeng maging dahilan. "Sana nga hindi. Kasi kung malaman ko, magbabayad talaga sila ng malaki," aniya. Batid kong pagod siya dahil sa boses niya n