"Nine pm nandiyan na ako," sabi ni Ethan sa kabilang linya. Naayos na daw niya ang problema kaya naman nasa airport na siya at hinihintay ang oras ng flight niya pauwi ng Pilipinas. "Ano'ng gusto mong food? Ipagluluto kita," sabi ko habang tinitignan ang stocks sa refrigerator. "Ikaw ang gusto kong kainin," aniya. Naiimagine ko na ang pilyong ngiti niya ngayon sa labi. "Baka may makarinig sa'yo diyan, nakakahiya," sabi ko habang pinipigilang mapangisi. "Ano naman?" Tumawa ako sa sinabi niya. "Magpadeliver ka na lang, huwag kang magpagod. Papagurin pa kita mamaya," aniya. Namumula na ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya. "Sige, magbababad na ako sa bath tub." Tumawa kaming parehas. "Okay, baby, see you later." Nakangiti ako habang pumipili ng lingerie dito sa walk in c