"Totoo ba ito o nanaginip lang ako?" hindi makapaniwalang sambit ni Tan-Tan. Kung tutuusin ay hindi pa sumisikat ang inang araw kinabukasan ay tinawag na ito ni Tommy. Maaring may pasok kaya't maagang gumising. Kung sabagay maaga naman silang gumigising dahil sa nag-iikot sila sa rancho. "Kagaya mo iyan din ang nasambit ko kagabi. Hindi ko akalaing ganoon niya ako kakilala. Ipinagkatiwala na niya sa akin ang nobya niya. Hindi lang iyon, nagawa pa pala niyang inalam ang tunay kong pagkatao. Ibig sabihin ay matagal na niyang pinag-isipan na sa akin ihahabilin ang dragona ko. Maaring inisip niya na bilang ganti sa paghahabilin niya ay may magagawa rin siya sa akin." Tumango-tango siya bilang pagsang-ayun sa kausap. "Iyon na nga po, Kuya. Aba'y...ah, parang ayaw pa ring pumasok sa isipan ko