Kabanata 57: “Masarap itong almusal na niluto ko para sa ‘yo,” nakangiting ani Prinsesa Gladiola. Binalingan pa si Ulysses. “Gusto mo bang makisalo? Halika!” Sa pagkakatanda ni Johnson ay sinungitan niya ito noong nakaraang araw. Sinabi naman nitong hindi siya susuko pero hindi niya naman akalain na babalik ito na para bang wala manlang nangyari. Para bang ang saya-saya pa nito. “Tara! Dito na tayo kumain sa loob ng kwarto mo.” Hinawakan ni Prinsesa Gladiola ang kanyang kamay saka hinatak papasok na para bang feel at home. Wala na siyang nagawa nang pumasok na sila sa loob. Si Ulysses ay nakasunod lang sa kanilang dalawa. Pagkapasok ay binitiwan din ni Prinsesa Gladiola ang kanyang kamay. Nilapitan nito ang maliit na lamesita saka inilapag doon ang dala nitong basket. Sa loob no’n ay n