Kabanata 56: Mabilis na nagsi-iwas ang mga kawal kasama na sila Johnson, Ulysses at Archer. Ngunit hindi pa man nakakayuko si Brenda ay kaagad na itong tinamaan sa may balikat. Kaagad namilog ang mga mata ni Johnson nang mabilis na bumagsak ang katawan ni Brenda, mabuti na lang at katabi nito si Archer na kaagad siyang sinalo. “Tulong! Dalhin natin siya sa loob!” Gusto sanang lapitan ni Johnson si Brenda, ngunit imbes na gawin niya iyon ay mas pinili niyang magpaiwan sa labas kasama ang ibang mga kawal. Sa ganitong pagkakataon, mas importante na ang protektahan ang lahat kaysa ang isa. “Prinsipe Johnson! Si Prinsesa Brenda!” sumbong pa ni Ulysses. Nilingon niya si Ulysses. “Kasama na niya si Archer, kailangan pa tayo rito sa labas. Hindi tayo sigurado kung hindi na babalik ang dragon.