Kabanata 55: “Galing! Tama ‘yan Johnson!” bulalas ni Archer. Ilang beses nang natamaan ni Johnson ang mga imaginary na hayop na napapadaan sa kanilang harapan. Tuwang-tuwa si Archer na natatamaan ni Johnson ang lahat pero wala sa mukha ni Johnson na masaya siya sa kanyang ginagawa. Napakalamig ng tingin nito sa mga hayop na nakikita at kaagad lamang pinatatamaan. “May nagbago kay Prinsipe Johnson,” mahinang sabi ni Ulysses. Nilingon tuloy siya ni Brenda na nasa tabi niya lang. “Sa tingin mo, ano?” Kumunot ang noo ni Ulysses habang nakatingin pa rin kay Johnson na abala sa pagpapaulan ng pana patama sa mga dapat niyang patamaan. “Ang lamig ng mga mata niya, para siyang robot. Hindi ko alam, siguro dahil ‘yon sa sinabi ni Pinunong Archer noong isang araw…” “Ano?” Tila natauhan si A